Hagedorn nagpiyansa sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan
Umaabot sa P180,000 ang inilagak na piyansa si dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn sa Sandiganbayan.
Ito ay para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang lilitisin ng 5th Division ng Anti-Graft Court ang kanyang mga kasong kaugnay sa hindi pagdedeklara ng maraming ari-arian sa kanyang Statement Of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
Nauna nang sinampahan ng Office of the Ombudsman si Hagedorn ng siyam na kasong perjury, tig-isang count ng kasong katiwalian at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Government Officials and Employees noong nakaraang linggo.
Batay sa pagsisiyat ng Ombudsman, hindi idineklara ni Hagedorn sa kanyang SALN noong 2004 hanggang 2012 ang limampu’t siyam na parsels ng real property, kabilang na ang residential lots, agricultural lands at commercial buildings.
Hindi rin idineklara ni Hagedorn sa kanyang SALN ang apatnapu’t siyam nitong sasakyan, kasama ang luxury vehicles gaya ng Volvo, Toyota Landcruiser at BMW.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.