Manila Science High School, wala pa rin pasok matapos ang insidente ng mercury spill
Nananatiling sarado at walang pasok sa Manila Science High School matapos ang pagkatapon ng mercury at iba pang hindi matukoy na kemikal sa chemistry laboratory noong March 11.
Ayon kay Manila City Health Officer Dr. Benjamin Yson, tuloy-tuloy pa rin ang paglilinis na isinasagawa ng private firm na kinuha ng Department of Environment and Natural Resources para matiyak na wala ng matitirang mga kemikal.
Hindi pa matiyak kung kailan muling magbubukas ang klase sa Manila Science High School dahil kakailanganin pa ang clearance mula sa Department of Health at DENR.
Bagama’t March 11 nangyari ang aksidenteng pagkatapon ng mercury, March 19 lamang ito nai-report ng principal at March 22 lamang nagsuspinde ng klase.
Sa ngayon, sumailalim na sa blood test, urine test at iba pang mga pagsusuri ang nasa 250-300 mga estudyante, guro at staff ng Manila Science High School.
Inaasahang lalabas ang resulta ng pagsusuri matapos pa ang 10 araw.
Umorder na rin ng gamot ang Manila City Health Office na inaasahang darating mamaya at ipapamahagi sa mga estudyante, guro at staff ng paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.