Isang pulis-Maynila, nasawi matapos mabiktima ng mainit na panahon

By Erwin Aguilon March 27, 2017 - 09:51 AM

MPD
FILE PHOTO

Sa flag raising ceremony sa Manila Police District headquarters ngayong araw mh Lunes, inanunsiyo ni Senior Supt. Bartolome Bustamante ang pagkamatay ni PO3 Leo Marcelo, 40-anyos, nakatalaga sa Remedios PCP na sakop ng MPD Station 5.

Si PO3 Marcelo ay nakatalaga sa mga lugar na sakop ng Remedios nang biglang bumgsak dahil sa sinasabing matinding init kahapon.

Naisugod pa sa Manila Doctors Hospital si Marcelo ngunit hindi na umabot ng buhay sa ospital.

Iuuwi ang katawan ni PO3 Marcelo sa kanyang pamilya sa Kalinga.

Sa inisyal na pagsusuri ng mga doctor, heat stroke ang ikinamatay ni PO3 Marcelo.

Kaugnay nito, pinapayuhan ni Senior Supt. Bustamante ang kanilang mga tauhan na panatiliing malusog ang pangangatawan at sumilong kapag may pagkakataon dahil sa papatinding init ng panahon.

Nauna nang sinabi ng Pagasa na posibleng ideklara na ang opisyal na pagsisimula ng Summer season o tag-init ngayong linggong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.