Cocaine na isinisiksik sa mga pekeng saging, nabisto sa Spain

By Kabie Aenlle March 27, 2017 - 05:17 AM

bananasArestado ang dalawang lalaki sa Spain dahil sa umano’y paggamit ng mga pekeng saging upang mai-biyahe ang maraming cocaine.

Nasukol ng mga guwardya sibil ng Spain ang mga suspek matapos ang imbestigasyon na sinimulan noon pang Nobyembre kung saan nadiskubre ng mga otoridad ang pag-singit ng iligal na droga sa mga kargamento ng saging.

Natagpuan ng mga pulis ang 57 pekeng mga saging na gawa sa resin na siniksikan ng 7 kilong cocaine, at nakahalo sa mga tunay na saging.

Mayroon ding 10 kilong cocaine na natagpuang nakasiksik naman sa mga flaps ng mga karton na kahong pinaglalagyan ng mga prutas.

Naganap ang pag-aresto sa mga lungsod ng Valencia at Malaga sa Spain.

Napag-alaman na kasapi sa isang sindikato ang dalawang Spanish na mga suspek na kinasuhan na ng drug trafficking.

Sa ngayon naman ay iniimbestigahan pa ang isang lalaki na kasama umano ng dalawang suspek, na isa namang Italian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.