Aguirre: Impeachment kay Robredo, hindi mapipigilan ni Duterte
Iginiit ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na personal na opinyon lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag nito na hindi dapat maghain ng impeachment complaint laban sa mga opisyal ng pamahalaan na wala pang dalawang taon sa panunungkulan.
Ito kasi ang naging reaksyon ng pangulo sa paninindigan ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magsampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa kabila ito ng babala ng pangulo na wala naman itong mabuting maitutulong sa bansa, kung itutuloy nila ang proseso ng impeachment.
Gayunman, nilinaw ni Aguirre na ang impeachment ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Kongreso at hindi ng pangulo.
Ani pa Aguirre, maaring ma-impeach si Robredo sakaling mapatunayang mali ang mga pahayag nito laban sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Nagdulot aniya ito ng pinsala sa imahe at ekonomiya ng bansa, kaya suportado niya ang nasabing impeachment.
Gagawing basehan sa impeachment ang video message na ginawa ni Rorbedo, kung saan binabatikos niya ang drug war ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.