100 pamilya sa Muntinlupa, nawalan ng bahay dahil sa sunog
Aabot sa isang daang pamilya sa isang residential area sa Muntinlupa City ang nawalan ng kani-kanilang bahay dahil sa sunog, hapon ng Linggo.
Batay sa Bureau of Fire Protection o BFP, nag-umpisa ang sunog sa Ilaya Street, Alabang, Muntinlupa bandang 2:30 ng hapon.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang mga barung-barong o gawa sa light material ang mga apektadong bahay.
Ini-akyat sa ika-apat na alarma ang sunog at naideklarang fire-out pasado alas-kwatro ng hapon.
Sa kabila ng sunog, walang nasawi o nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.