Suspek sa pagpatay sa mag-asawang Fleischauer sa Negros Occidental, naaresto na

August 20, 2015 - 07:12 AM

aug 20 murcia neg occNatagpuang patay sa isang balon na may lalim na 20-talampakan malapit sa kanilang bahay, ang isang Amerikano, kasama ang kanyang asawa sa Murcia, Negros Occidental.

Ilang oras lamang nang matagpuan ang bangkay inaresto ang apat na magsasaka na nakitang huling mga taong kasama ng mga biktima.

Kinilala ang mga biktima na sina Kevin Fleischauer, 58 taong gulang, at ang kanyang asawa na si Lolly Mangilaya Fleischauer, 60, na nagsasagawa ng organic farming.

Dalawang linggo ang lumipas, ikinabahala ng kanilang mga kaibigan, kamaganak, at ilang residente ang kanilang pagkawala, hanggang sa matagpuan ng mga pulis ang kanilang katawan sa isang balon.

Ayon naman sa isang testigo, apat na trabahador na magsasaka sa kanilang organic farm ang nakitang paalis sa kanilang compound, bandang 8pm noong August 4.

Hindi sila sumipot sa trabaho nang sumunod na araw, kundi umuwi sa kanilang mga tahanan sa Sagay City, Negros Occidental, na siyang ikinaduda ng otoridad.

Nakilala ang mga suspek na sina Randy Tugbong Nunez, 25; Raymart Almario Medel; 17-taong gulang, at Randy Perez.

Natagpuan sa mga suspek ang malaking halaga ng pera.

Pero katwiran ng mga suspek, nagtungo sa ibang bansa ang magasawa at binigyan sila ng pera.

Inaresto ang mga suspek sa kanilang bahay sa Sitio Dahlia, Barangay Puey sa Sagay.

Ayon kay Insp. Lawrence Gerald Bathan, Murcia Policew chief, si Perez naman ay inaresto sa kanyang bahay sa Brgy. Bato, bandang 9:25am noong Martes.

Narekober ang P15,000, 12 $20 bills, apat na $50 bills, dalawa na $10 bills, isang $1 bill mga alahas, 2 laptop computers, cellphones, MP3 player, pistol, wallet, cellphone charger, at electric grinder.

Kinasuhan naman ng robbery at double homicide ang apat na suspek sa provincial prosecutor’s office sa Bacolod City. /Stanley Gajete

TAGS: murcia negros occidental, murcia negros occidental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.