Carrie Lam, wagi bilang bagong chief executive ng Hong Kong
Nanalo bilang bagong chief executive ng Hong Kong si dating chief secretary Carrie Lam.
Dahil dito, siya ang kauna-unahang babaeng lider ng Hong Kong.
Sa botohan ng 1,194 na miyembro ng election committee, nahalal si Lam kontra sa mga kalaban nito na sina Woo Kwok-hing at John Tsang.
Si Lam, 59 years old, ay ang ikalawang pinaka-mataas na pinuno ng Hong Kong bago siya sumabak sa leadership race.
Hindi naging madali ang lahat para kay Lam, lalo’t sumadsad ang kanyang popularity ratings noong kampanya at binansagan din siyang ‘copy-cat’ ng incumbent leader na si Leung Chun-ying.
Bukod dito, mayorya ng mga miyembro ng komite na naghalal kay Lam ay supporters umano ng Chinese government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.