Duterte, nakiusap ng tulong sa China para sa agrikultura ng Bukidnon
Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte ng tulong sa China sa pagpapalawig ng agrikultura lalo na sa lalawigan ng Bukidnon.
Sa talumpati sa Kaamulan Festival sa Bukidnon, sinabi ng pangulo na nais ng Pilipinas na maging kaibigan at magkaroon ng kalakalan kasama ang China upang mapagbuti ang bansa.
Pagbibida pa ng pangulo, kasalukuyang kumukuha ang China ng 100 porsyento ng saging at 75 porsyento ng pinya.
Bunsod nito, hinikayat ni Duterte ang mga residente na magtanim ng mga produktong maaaring ma-export sa China.
Samantala, kinilala ng pangulo ang presensya ni Chinese Ambassador Zhai Jianhua sa naturang festival at sinabing makabuluhan ito sa pagbubukas ng mas mabuting diplomatic relations sa China.
Gayunman, nilinaw ng Punong Ehekutibo na hindi papasok sa anumang military alliance ang Pilipinas sa anumang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.