Philippine Navy, regular na magpapatrol sa Benham Rise
Regular na magpapatrol ang Philippine Navy sa Benham Rise para igiit ang soberanya ng Pilipinas sa lugar, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Ayon sa kalihim, isa rin sa dahilan nito ang mga ulat ng aktibidad ng China sa Benham Rise.
Dagdag ni Lorenzana, tutukuyin din nito ang lalim, coral formation at limits sa Benham Rise.
Sa ngayon, itinalaga na ang barkong pandigma ng Armed Forces of the Philippines na BRP Ramon Alcaraz sa Benham Rise matapos mamataan sa lugar ang mga barko ng China.
Ipinahayag din ng Philippine Navy na namataan ang isang hindi pa natutukoy na aircraft ang umaligid sa Benham Rise.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.