DSWD, naghahanda na sa “The Big One” ayon kay Sec. Taguiwalo

By Alvin Barcelona March 26, 2017 - 01:39 AM

Taguiwalo-1025Siniguro ng Department of Social Welfare and Development na naghahanda sila sa posibilidad ng pagtama ng malakas na lindol o “The Big One” sa Metro Manila, ang sentro ng ekonomiya at politika ng Pilipinas.

Sinabi ito ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo sa harap ng mga kumakalat na balita tungkol sa maaaring pagtama sa Kamaynilaan ng malakas na lindol tulad sa Surigao sa pagitan ng Pebrero at Marso ngayong taon.

Ayon kay Sec. Taguiwalo, ang bagong mantra nila ngayon sa gobyerno para sa “The Big One” ay: Plan, Prepare, Pray and Practice.

Kabilang sa kanilang paghahanda ay ang pre-positioning ng mga relief goods lalo na sa posibilidad na mapuruhan ng lindol ang kanilang mga warehouse.

Sinabi ni Taguiwalo na bagamat wala pang teknolohiya na maagang makakapagsabi kung kelan magkakaroon ng lindol, aminado aniya ang Phivolcs na hinog na ang metro manila sa isang malakas na lindol.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na ”on top of the situation” ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa posibilidad ng “The Big One” at patuloy ang koordinasyon nila sa Metro Manila Commission.

TAGS: dswd, judy taguiwalo, Metro Manila, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, relief goods, The Big One, dswd, judy taguiwalo, Metro Manila, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, relief goods, The Big One

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.