Abu Sayyaf lider patay sa aksidente sa motorsiklo

By Den Macaranas March 25, 2017 - 12:36 PM

sulu-sea-mapPatay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group makaraang sumemplang ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Barangay Langpas, Indanan sa lalawigan ng Sulu.

Sa ulat na nakarating sa Sulu Provincial Police Office, nakilala ang biktima na si Mujakkar Bagadi na sinasabing kabilang sa mga opisyal ng bandidong grupo.

Ang biktima ay kapatid ni Abu Sayyaf sub-leader Alden bagadi na kilala rin sa alyas na “Sayning” na sinasabing nasa likod ng pagdukot sa ilang mga dayuhan sa lalawigan.

Ayon sa report ng pulisya, pasado alas-otso ng umaga kanina nang sumemplang habang sakay ng kanyang motrosiklo ang biktima kung saan ay humampas ang ulo nito sa semento.

Mabilis na dumating sa pinangyarihan ng aksidente si “Sayning” kasama ang pitong armadong mga kalalakihan.

Kaagad umano nilang kinuha ang katawan ng biktima at saka dinala sa bahay ng isa nilang kaanak malapit sa Langpas Elementary School.

Nabigo naman ang mga otoridad na mahuli ang mga Abu Sayyaf members dahil kaagad din silang umalis sa lugar.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Sulu, Abu Sayyaf, AFP, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.