DILG naghahanap ng paraan para maging legal ang mga OIC sa Brgy.

By Den Macaranas March 25, 2017 - 10:19 AM

Mike Sueno
Inquirer file photo

Aminado si Interior Sec. Miek Sueno na nakatakda siyang makipag-pulong sa mga matataas na opisyal ng Senado at Kamara para sa posibilidad ng appointment imbes na eleksyon para sa mga Barangay officials.

Nauna na kasing sinabi ni Senate President Koko Pimentel na kailangan ang isang batas at hindi pwede ang isang presidential decree lamang para sa pagpapalit ng mga opisyal ng Barangay.

Sa kanyang pagdating mula sa pagbisita sa bantang Thailand ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas gugustuhin niyang maglagay ng mga Officers-in-Charge (OIC) sa mga Barangay kesa ituloy pa ang eleksyon sa Oktubre ng kasalukuyang taon.

Bukod sa makakatipid ang pamahalaan ay mabibigyan din ng pagkakataon ang ilang sektor tulad ng simbahan na mag-nominate ng kanilang gustong paupuin bilang opisyal ng Barangay council.

Nauna nang sinabi ni Duterte na karamihan sa mga Barangay officials ay pasok sa sindikato ng droga sa bansa at iyun din ang dahilan kung bakit sinuspinde niya ang nakatakda sanang Barangay election noong nakalipas na taon.

TAGS: brgy elections, DILG, duterte, mike sueno, brgy elections, DILG, duterte, mike sueno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.