Barko ng Philippine Navy nagpatrolya sa Benham rise

By Len Monatano, Ruel Perez March 24, 2017 - 08:04 PM

benham-riseSa gitna ng presensya ng barko ng China sa Benham rise, pinagpapatrulya ng Armed Forces of the Philippines ang isang barko ng Philippine Navy sa naturang teritoryo.

Idineploy ang BRP Ramon Alcaraz para magpatrulya sa Benham rise at isama ang lugar sa regular na ruta nito.

Ayon sa Northern Luzon Command ng AFP, nagsimula ang patrolya ng Philippine Navy ship noong March 17 at nananatili ito sa Benham Rise hanggang ngayong araw.

Hindi pa nakatakdang bumalik ang barko sa station dahil iikutin nito ang Casiguran area sa Aurora at ang 13 million hectare ng Benham rise.

Samantala sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, magsasagawa ang navy ng regular na patrolya sa lugar.

Ayon naman kay BRP Alcaraz skipper Commander Jeff Rene Nadugo, sakaling makakita sila ng Chinese vessel sa kanilang pagpapatrolya ay kukwesntyunin nila ang presensya nito sa lugar.

Nasa protocol anya na tanungin nila ang intensyon at layon ng barko ng China sa Benham rise. “Meron tayong protocol kung sakaling nakita ay i-challenge natin kung ano intention, kung ano purpose. kung intent ay research eh hindi nararapat kelangan pakiusapan umalis,” pahayag ni Nadugo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.