Barangay at SK elections sa Oktubre pinaghahandaan ng COMELEC
Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections o Comelec para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, nakasaad sa Republic Act 10923 na mula sa October 2016 ay itinatakda ang Barangay at SK elections sa October 2017 kaya kailangan nilang tumalima dito.
Sinabi ni Bautista na sakali namang magpasa ng batas ang kongreso na nagpapaliban ang halalan ay nakahanda naman silang tumalima rito.
Inirerespeto naman anya nila ang pagnanais ng pangulo na magtalaga na lamang ng barangay officials dahil sa pangamba na magamit ang drug money sa pagpopondo ng kampanya ng mga tatakbo sa barangay elections.
Sinabi ni Bautista na mas may malawak na kaalaman ang pangulo ng bansa pagdating sa nasabing isyu.
Gayunman, mainam din anyang pag-aralan kung sino ang bibigyan ng kapangyarihan na magtalaga ng barangay officials.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.