Binalot ng tensyon ang punong tanggapan ng National Housing Authority matapos lusubin ng mga miyembro ng Kadamay.
Niyugyog ng Kadamay kasama ang iba pang mga militanteng grupo ang gate ng NHA.
Pinagtatanggal din ang letra ng signage ng NHA at pinuturahan pa ang pader nito.
Hiniling ng mga nagpoprotesta na bawiin na ang eviction notice na inilagay sa mga pabahay na kanilang inokopa sa Bulacan.
Sa kabila ng protesta ng kadamay, walang ni-isang opisyal o kinatawan ng nha ang humarap o nagpakita.
Matapos ang pagkilos sa NHA nagtungo naman ang mga raliyista sa Mendiola sa Maynila upang doon ipagpatuloy ang kanilang kilos-protesta.
WATCH: Mga miyembro ng Kadamay, niyugyog ang gate ng NHA. @dzIQ990 pic.twitter.com/1095gl2NHq
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) March 24, 2017
Kadamay, niyuyugyog ang gate ng NHA. @dzIQ990 pic.twitter.com/Pmf6SkbQxD
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) March 24, 2017
WATCH: Nagpapatuloy ang rally ng Kadamay sa harapan ng tanggapan ng NHA. @dzIQ990 pic.twitter.com/Yvnq08OurR
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) March 24, 2017
WATCH: Isang miyembro ng Kadamay, nag-vandal sa bakod ng NHA. @dzIQ990 pic.twitter.com/Z9jzMNNqvL
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) March 24, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.