Abu Sayyaf, may dalawang panibagong hostage

By Jay Dones March 24, 2017 - 04:25 AM

 

Abu-Sayyaf-1-radyo-inquirerIlang oras lamang matapos ianunsyo ng militar ang papapalaya ng bandidong Abu Sayyaf sa dalawa nilang bihag ay muling bumihag ang mga ito ng dalawa pang hostage.

Kinumpirma ni Lt. Commander Alvin Dagalea, hepe ng Zamboanga Coast Guard station na sapilitang tinangay ng mga armadong suspek ang mga biktimang sina Capt. Aurelio Agacac at Chief Engineer Laurencio Tiro.

Ang dalawa ay mga opisyal ng Panamanian-flagged MV Super Shuttle Roro 9 na lumalayag mula Basilan tungong General Santos City.

Ang dalawa ay dinukot aniya habang lulan ng Roro 9 malapit sa karagatang sakop ng Sibago island.

Tumakas umano ang mga suspek patungong Tuburan, Basilan lulan ng tatlong speedboat.

Matatandaang ilang oras bago ang pagdukot sa dalawa, pinalaya ng Abu Sayyaf ang dalawang Malaysian na crew ng isang tugboat na bihag ng mga ito ng halos walong buwan.

Tatlo pang crew ng tugboat ang hawak pa rin ng bandidong grupo na pinamumunuan ng Abu Sayyaf subleader na si Sibih Pissih.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.