Duterte at Robredo, magku-krus muli ang landas sa PNPA graduation

By Jay Dones March 24, 2017 - 04:28 AM

 

robredo duterteSa ikalawang pagkakataon, inaasahang muling magsasabay sa iisang entablado sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Sa pagkakataong ito, maghaharap muli ang dalawang mataas na opisyal ng bansa sa graduation ceremonies ng mga kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite ngayong araw.

Una nang nagkita ang dalawa sa PMA graduation rites sa Baguio City noong March 12.

Sa naturang okasyon, humingi pa ng paumanhin ang pangulo kay Robredo dahil hindi niya ito nabati sa unang bahagi ng kanyang talumpati.

Sinisi pa ng pangulo ang gumawa ng kanyang speech dahil hindi umano isinama ang pangalan ng Pangalawang Pangulo sa listahan ng mga bisita sa okasyon.

Sa pagkakataon naman ng PNPA graduation ngayong araw, magsisilbing mga panauhin sina Duterte at Robredo sa pagtatapos ng 144 na miyembro ng Masidlak class of 2017.

Ang pangulo ang inaasahang magbibigay ng Presidential Kampilan sa class topnotcher na si Cadet Macdum Enca ng Cotabato City.

Si Robredo naman ang magbibigay ng Vice Presidential Kampilan kay Cadet Midzfar Hamis Omar ng Tawi-Tawi na second highest sa kanilang klase.

Mula nang huling magkita sina Duterte at Robredo ay nasampahan na ng impeachment complaint sa Kongreso ang Pangulo samantalang inihahanda naman ang isa pang impeachment complaint laban kay Robredo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.