90-day amnesty sa mga undocumented workers, ipinag-utos ng Saudi Arabia

By Mariel Cruz March 24, 2017 - 04:24 AM

 

Saudi consulateNag-alok ang gobyerno ng Saudi Arabia ng 90-day amnesty sa mga dayuhan na iligal na naninirahan sa bansa na umalis na ng walang penalty o itama ang kanilang status.

Ayon sa ulat, magiging epektibo ang amnesty period simula march 29.

Bahagi ang nasabing amnesty sa kampanya ng Saudi government na “nation free of violators” na layon makatulong sa mga undocumented expatriate.

Ayon naman sa report ng Gulf news, inatasan na ni Saudi Arabia interior minister prince Mohammad ang lahat ng concerned agencies at departments na maging maluwag sa pagpapaalis sa lahat ng mga dayuhan na nais nang makalabas ng bansa.

Dahil dito, maraming undocumented na Pinoy sa Saudi Arabia na nais nang makauwi ng Pilipinas ang agad na nagtungo sa Philippine Consulate sa Jeddah para humingi ng tulong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.