Duterte ‘doble-kara’ sa pagdipensa sa Leni impeachment-Trillanes

By Mariel Cruz March 24, 2017 - 04:27 AM

 

Duda si Sen. Antonio Trillanes IV sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumidepensa kay Vice Pres. Leni robredo laban sa impeachment complaint.

Ayon kay Trillanes, naghuhugas-kamay lamang ang pangulo sa naturang isyu.

Tahasan din na sinabi ng senador na gimik lang ang ginagawa ni Duterte at niloloko lamang ang mga Pilipino dahil patuloy pa rin naman ang paghahain ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng impeachment complaint laban kay Robredo.

Sinabi pa ni Trillanes na ‘doble-kara’ si Pangulong Duterte.

Sa pagdating ni Duterte sa bansa mula sa Myanmar at Thailand, agad niyang sinabihan ang kanyang kaalyado na itigil na ang pagpapa-impeach kay Robredo.

Pero sa kabila nito, hindi natinag si Alvarez na nagpahayag na itutuloy pa rin ang planong pagpapa-impeach sa bise presidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.