Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging regular na partner na ng pamahalaan ang China at Russia para sa training ng mga miyembro ng Presidential Security Group.
Bahagi ito ng pagpapalakas hindi lamang ng bilateral relations sa nasabing mga bansa kundi pati na rin sa ilang pagpapalitan ng kaalaman sa military tactics.
Noong isang linggo ay nakabalik na sa bansa ang 20-man team mula sa PSG na nagsanay sa para sa VIP protection sa Federal Protective Service (FSO) ng Russian Federation sa Moscow.
Kanina ay pinangaunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang turnover ceremony para sa bagong pamunuan ng Presidential Security Group (PSG).
Si Col. Lope Dagoy ang bagong PSG Commander kung saan ang kanyang pinalitan na si BGen. Rolando Bautista na itinalaga naman bilang pinuno ng 1st Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Pagadian City.
Si Dagoy ay dating Chief of Staff ng Eastern Mindanao Command at naging Commander rin ng 104th Brigade sa lalawigan ng Basilan at 73rd Infantry Batallion na nakabase naman sa Davao City.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na isang malaking hamon sa PSG ang pagtulong sa pagsugpo sa mga grupong nasa likod ng mga terror acts.
At bilang paghahanda at pagpapalakas sa kanilang hanay ay tuloy ang mga trainings na sasamahan ng mga miyembro ng PSG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.