2 Malaysian na bihag ng ASG, naisalba ng militar
Naisalba ng militar ang dalawang Malaysian nationals na binihag ng Abu Sayyaf group (ASG) noong 2016.
Nagsagawa ng operasyon ang militar sa Carudong, Sulu dakong alas-2:00 ng umaga nang ipinaalam ng mga residente na nasa lugar ang tinatayang 30 myembro ng ASG kasama ang limang bihag nito.
Tumakas ang bandidong grupo nang dumating ang mga sundalo, at naiwan ang mga bihag na sina Fandy Bin Bakaran at Abdul Rahim Bin Summas.
Sa isang panayam, sinabi ni Colonel Edgar Arevalo, tagagapgsalita ng militar, walang ransom na ibinayad sa ASG. Iginiit nito na na-rescue ang dalawang bihag.
Dadalhin ang mga biktima sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo para sumailalim sa debriefing.
Sina Fandy at Abdul Rahim ay kabilang sa limang Malaysians na dinukot ng ASG sa mula sa kanilang tugboat sa Lahad Datu, Malaysia noong July.
Batay sa ilang ulat sa Malaysia, humingi ng 100 milyong piso ang mga terorista para sa kalayaan ng mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.