Eiffel Tower, pinatayan ng ilaw bilang pakikidalamhati sa Parliament attack
Pinatay ang ilaw sa Eiffel Tower hatinggabi ng Miyerkules, bilang pakikiramay sa mga nasawi sa terror attack sa labas ng Birtish Parliament.
Ito ay desisyon mismo ni Paris Mayor Anne Hidalgo matapos ang pag-atake ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa mga pedestrians sa Westminster Bridge, at saka nanaksak ng mga tao kabilang ang isang pulis.
Ayon kay Hidalgo, ito ang paghahatid niya ng “solidarity” message sa kapwa niya mayor ng London na si Sadiq Khan.
Lima na ang kumpirmadong patay sa nasabing insidente, kabilang ang mismong suspek na nabaril ng mga rumespondeng otoridad.
Nasa apatnapung katao naman na ang sinasabing nasugatan sa pag-atake, kasama na ang limang South Koreans.
Samantala, kung pinatay ang ilaw sa Eiffel Tower, ilang mga kilalang landmarks naman ang nagsindi ng ilaw base sa Union Jack bilang pakikiisa sa pagdadalamhati dahil sa pag-atake.
Kabilang sa mga inilawan ng blue, white at red ang Birmingham Library pati na ang city hall sa Tel Aviv sa Israel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.