China itinanggi na nagtatayo sila ng mga bagong istraktura sa WPS
Mariing itinanggi ng Chinese Foreign Ministry na balak ng kanilang pamahalaan na magtayo ng environmental monitoring station sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea.
Taliwas ito sa naunang pahayag ni Sansha City Mayor Xiao Jie na naghahanda na ang China na magtayo nasabing mga istraktura sa bahagi ng Scarborough Shoal.
Ang Sansha City ang siyang may administrative control sa mga pinagtatalunang isla sa West Philippine Sea na sinakop na ng bansang China.
Sa kanyang pahayag ay sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying na ang West Philippine Sea o South China Sea ay magsisilbing lugar para sa ecological preservation.
Ipinaliwanag rin ng naturang opisyal na pinahahalagahan ng China ang kanilang magandang relasyon ngayon sa Pilipinas.
Nauna rito ay sinabi ni Department of Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na hihingi sila ng paliwanag sa China kaugnay sa mga ulat na mga bagong istraktura malapit sa Scarborough Shoul.
Gusto rin ng DFA na makuha ang paliwanag ng China sa pagpunta ng kanilang mga barko sa Benham Rise na sinasabing pasok sa territorial waters ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.