PNP nanindigan na napasok ng Maute Group ang Metro Manila

By Ruel Perez March 22, 2017 - 04:07 PM

Dionardo-CarlosMariing nanindigan ang Philippine National Police (PNP) sa presensya ng Maute terror group sa Metro Manila.

Paliwanag ni PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos, ito umano ang lumabas sa patuloy na imbestigasyon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa nabigong pambobomba sa US Embassy noong Nobyembre kaya naiintindihan nila kung hindi ito namomonitor ng AFP.

Giit ni Carlos, mas tumibay ang impormasyon ukol sa presensya ng Maute group makaraang maaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District si Nassip Ibrahim na umano’y kontak ng grupo dito sa Metro Manila.

Sa imbestigasyon ng PNP, si Ibrahim umano ang naghanda ng matutuluyan ng grupo at siya rin ang nagmaneho ng Toyota Revo na sinakyan ng grupo mula sa Mindanao.

Ang terrorist cell ng Maute group na nasa Metro Manila  ay pinamumunuan ng isang Yusof Makoto na pinaniniwalaang nagtayo ng kuta sa Tanza Cavite ayon pa sa opisyal.

Maliban dito, tinutugis na rin ng PNP ang Maute sub- leader na si Isnadie Ibrahim na tiyuhin ng naarestong si Nasip Ibrahim.

Sa isang pulong balitaas kanina ay sinabi ni AFP Public Information Office Head, Col. Edgard Arevalo na wala silang namomonitor na presensiya ng Maute Group sa Kamaynilaan.

Posible ayon sa opisyal na may ilang grupo lang na pilit na idinidiin ang kanilang grupo sa Maute Group na itinuturing na isang teroristang grupo.

TAGS: Carlos, Maute Group, NCRPO, PNP, Carlos, Maute Group, NCRPO, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.