DOT: Turismo sa Pilipinas apektado na ng mga pahayag ni Robredo

By Chona Yu March 22, 2017 - 03:48 PM

Wanda-Corazon-Teo
Inquirer file photo

Nahihirapan ang Department of Tourism na ilako sa mga turista ang Pilipinas.

Sa press conference sa Bangkok Thailand, sinabi ni Tourism Secretary Wanda Teo na malaking dagok sa bansa ang video message ni Vice President Leni Robredo sa United Nations kung saan binabatikos nito ang anti-drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdulot na umano ng extra judicial killings.

Ayon kay Teo, ang mga ganitong pahayag at alegasyon ay nagpapahirap sa kanilang trabaho para ibenta at ipakilala bilang tourist destination ang Pilipinas.

Ayon kay Teo, kahit saan siya magpunta ay lagi siyang natatanong kung totoo ba ang extra-judicial killings sa bansa at lagi niyang tinitiyak na ligtas mamasyal sa Pilipinas kasabay ng paghikayat na magpunta sila rito para patunayan ito sa kanilang mga sarili.

Kasabay nito, umaapela si Sec. Teo kay Robredo at sa media na kung maari ay i-tone down o huwag masyadong palakihin ang isyu ng extra-judicial killings sa bansa.

TAGS: dot, Leni Robredo, turismo, Wanda Teo, dot, Leni Robredo, turismo, Wanda Teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.