Malakas na ulan, mararanasan sa Aurora dahil sa LPA

By Kabie Aenlle March 22, 2017 - 07:45 AM

weatherMakakaranas ng malakas na pag-ulan at pulu-pulong pagkulog at pag-kidlat ang Aurora, Quezon at Isabela dahil sa low pressure area.

Huling namataan ang LPA sa 55 kilometers South ng Baler, Aurora. Dahil dito, binalaan ang mga residente sa Aurora na posibleng magkaroon ng mga flashfloods at landslides dulot ng malalakas na ulan.

Samantala, maulap din ang papawirin sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, iba pang bahagi ng Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon, na magdudulot ng mahina at pulu-pulong pag-ulan.

Makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang nalalabing bahagi ng bansa na may kasamang manaka-nakang mga pag-ambon o pag-kulog at pag-kidlat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.