Problema sa droga pag-uusapan ng mga lider ng Pilipinas at Thailand

By Chona Yu March 21, 2017 - 08:26 PM

Duterte Thailand
Inquirer photo

Tatalakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng bansa ang probelma sa ilegal na droga.

Nabatid na droga at usapin sa terorismo ang ilan lamang sa mga matatalakay nina Pangulong Rodrigo Duterte at ni Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha ngayong araw.

Ayon kay Thailand Government Deputy Spokesperson Werachon Sukond-hapatipak, nakalinya ang mga security-related issues sa mga high agenda ng dalawang lider.

Kabilang nga dito ang drug suppression, pagpapa-igting ng kooperasyon sa mga anti-drug intelligence agencies ng dalawang bansa tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at ang Thailand Office of Narcotics Control Board (ONCB).

Bukod pa rito, inaasahang mapaguusapan din nina Duterte at Chan O-cha ang pagresolba sa problema ng terorismo sa Mindanao na sa kasalukuyan ay pugad ng mga armadong grupo tulad ng Abu Sayyaf.

Samantala, bukod sa mga usapang pang-seguridad, lalagdaan din ng dalawang bansa ang mga kasunduan pang ekonomiya tulad ng isang 5-year cooperation program sa turismo at kooperasyon sa swamp and dairy production.

TAGS: duterte, Illegal Drugs, Terrorism, thailand, duterte, Illegal Drugs, Terrorism, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.