Kuta ng Maute Terror Group sa Metro Manila tukoy na ng PNP

By Ruel Perez March 21, 2017 - 03:24 PM

Maute crame
Photo: Ruel Perez

Aminado ang pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng PNP na nakapag-established na ng  kanilang puwersa ang teroristang Maute Group dito sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde, tukoy na rin nila ang ilang mga lugar na ginawang secret haven o kuta ng teroristang grupo at isa sa mga nadiskubreng kuta ay sa Tanza, Cavite.

Ani Albayalde, ilan sa mga miyembro ng Maute Group dito sa Metro Manila ay matagal ng naninirahan dito na siyang nagbibigay ng suporta lalo na sa mga sasakyan at tirahan para sa mga miyembro ng Maute members na mula pa sa Mindanao.

Kagabi naaresto ang isang miyembro ng Maute Terror Group na si Nasib Ibrahim sa Barangay Culiat sa Quezon City na ihinarap kanina sa media ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Nakuha kay Ibrahim, ikalimang suspek sa tangkang pagpapasabog sa US Embassy na naaresto ng PNP ang isang Cal. 45 pistol, KG 9mm machine pistol, mga bala at heat-sealed plastic sachet ng shabu.

Ani Albayalde, si Ibrahim ang nagmamaneho ng sasakyang Revo na siyang ginawang getaway vehicle ng mga suspek na nag-iwan ng pampasabog sa kahabaan ng Roxas Blvd. kamakailan.

TAGS: albayalde, dela rosa, Maute, NCRPO, PNP, U.S Embassy, albayalde, dela rosa, Maute, NCRPO, PNP, U.S Embassy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.