Duterte hinimok na igiit ang desisyon ng UN tribunal sa West PH Sea
Napapanahon na para i-invoke ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang paborableng desisyon ng Arbitration Tribunal upang harangin ang patuloy na panghihimasok ng naturang bansa sa Exclusive Economic Zone sa West Philippine Sea at Benham Rise.
Ayon kay House Defense Senior Vice Chairman Ruffy Biazon, hindi dapat manahimik ang Pilipinas sa kapangahasan ng China lalo’t aktibo na ito sa west at east side ng bansa.
Binigyang-diin ni Biazon na hindi man kaya ng Pilipinas na daanin sa labanan ng baril sa baril ang China ay maaari itong idaan sa diplomatic protest.
Aniya, kailangang ilaban at protektahan ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea at Benham Rise dahil malaki ang laban ng ating bansa kung igigiit ng gobyerno ang karapatan nito.
Inirekumenda naman ni 1-Ang Edukasyon PL Rep. Salvador Belaro Jr. na bigyang-daan na ng Pilipinas ang joint exploration sa EEZ ng bansa sa West Philippine Sea at Benham Rise.
Paliwanang ni Belaro, ang exclusive right ng bansa para mag-explore sa mga lugar na ito ay pwede namang i-waive o isantabi at pumasok ang gobyerno sa joint venture agreement.
Kailangan lamang aniyang tiyakin na hindi dehado dito ang Pilipinas kaya nararapat na malinaw ang kasunduan sa umpisa pa lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.