Humihirit ng rematch ang Brazilian UFC Mixed Martial Arts fighter na si Bethe Correia matapos itong matalo ng reigning UFC Women’s Bantamweight Champion na si Ronda Rousey.
Nainsulto umano si Correia nang sabihin ni Gene LeBell, trainer ng tinaguriang “Most Dangerous Unarmed Woman on the Planet” na hindi natuwa ang kampeon sa kanyang performance sa kanilang laban nang sila’y magharap noong UFC 190.
Matatandaang napatumba ni Rousey si Correia sa kanilang laban sa unang round pa lamang at tumagal lamang si Correia ng 34 seconds nang tamaan ito ng sunud-sunod na suntok at mapatulog ng babaeng kampeon.
Sa Instagram post ng natalong si Correia sinabi nito na dahil sa mga panlalait na kanyang tinanggap mula sa kampo ni Rousey, kanya itong muling hahamunin sa 2016.
Nangako si Correia na sa kanilang muling paghaharap ng UFC Women’s Champ, makakamit na niya ang paghihiganti at tagumpay./ Jay Dones
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.