De Lima, nangakong hindi titigil sa papuna sa mga mali ng Duterte Administration

By Rod Lagusad March 20, 2017 - 08:53 AM

de limaNangako si Sen. Leila De Lima na hindi siya titigil para punahin ang mga maling ginagawa ng Duterte administration.

Matatandaang inaresto at ngayon ay nakadetain sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga isinampa ng Department of Justice.

Walang dahilan aniya ang lahat ng mga alegasyon sa kanya at ito ay may halong politikal.

Dagdag pa ni De Lima na nagbibigay sa kanya ng lakas ang mga panalangin ng kanyang mga tagasuporta.

Aniya ang maling pamamalakad ng administrasyon ni Duterte ang dahilan kung bakit patuloy siyang lumalaban.

Binigyang din ni De Lima na hindi siya nag-iisa sa laban na ito dahil ito ay laban ng milyung-milyong mga Pilipino na naghahanap ng hustisya at kapayapaan.

Nagkaroon na ng oral argument ang Korte Suprema kaugnay ng kanyang mga kinakaharap na kaso.

Mula ng makulong noong Febuary 24 si De Lima ay patuloy na naglalabas ng mga sulat-kamay na mga pahayag patungkol sa ibat-ibang isyu si De Lima.

 

 

TAGS: Camp Crame, leila de lima, Philippine National Police, Philippine National Police Custodial Center, Camp Crame, leila de lima, Philippine National Police, Philippine National Police Custodial Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.