Hiwalay na boxing commission, hindi kailangan ayon kay Drilon
Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat pakinggan sa mga eksperto si Senator Manny Pacquiao dahil ayon sa mga ito hindi kailangan ang isang hiwalay na boxing commission.
Ayon kay Drilon dapat pakinggan ni Pacquiao ang Games and Amusement Board (GAB) patungkol sa kanyang panukalang pagbuo ng isang Philippine Boxing Commission.
Umaasa si Drilon na makikinig sa Pacquiao sa mga eksperto na matagal ng nasa serbisyo sa pagprotekta sa mga professional athletes bago pa siya naging boxing champion.
Aniya tulad ni Pacquiao at ng GAB ay pinapahalagahan din niya ang mga boksingero at iba pang atleta.
Sinabi na rin ni GAB chair Abraham Kahlil Mitra na hindi na kailangan ang pagbuo nito dahil aniya na pwede namang magkaroon ng reporma para mapalakas ang naturang sport sa bansa.
Dagdag pa ni Mitra, na sa one-third ng kabuuang 150 miyembro ng GAB ay ang nakatalaga na sa boxing.
Matatandang una ng kinontra ni Drilon si Pacquiao noong nakaraang linggo kaugnay ng nasabing panukala dahil aniya magandang magdagdag na lang ng pondo sa GAB.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.