Sinalubong ng mga Pinoy si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdating nito sa Horizon lake View resort sa pagdating nito sa Myanmar.
Lumapag ang eroplano ni Pangulong Duterte at kanyang delegasyon sa Nay Pyi Taw International Airport dakong alas 7:40 ng gabi, oras sa Pilipinas at sinalubong ito ng simppleng seremonya sa paliparan.
Si Philippine Ambassador to Burma Alex Chua at mga opisyal ang sumundo sa pangulo sa paliparan at nghatid dito sa naturang hotel resort kung saan siya inabangan ng nasa 200 mga Pilipino na nagtatrabaho at naninirahan sa Yangon.
Ayon kay ambassador Chua, nakakuha ng 56 porsiyento ng boto si Pangulong Duterte mula sa mga OFW na nasa Myanmar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.