34 patay, mahigit 2,000 naaresto sa Project Double Barrel: Reloaded – PNP
Umakyat na sa tatlumpu’t apat ang namatay sa implementasyon ng “Project Double Barrel: Reloaded” ng Philippine National Police o PNP.
Batay sa ulat ng PNP, as of 6:00am ng March 19 ay tatlumpu’t apat na drug suspects na ang nasawi sa iba’t ibang police operations mula nang ilunsad ang Double Barrel reloaded noong March 6, 2017.
Aabot naman sa 81,603 na mga bahay ang nabisita ng mga pulis, bilang bahagi ng Oplan Tokhang.
7,833 na drug users at pushers ang sumuko sa mga otoridad, samantalang 2,132 na drug suspects ang naaresto sa mga operasyon.
Base pa sa datos ng PNP, walang pulis na namatay sa kasagsagan ng mga anti-drug operations.
Nauna nang ipinangako ni PNP Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na magiging masyadong madugo ang Double Barrel reloaded, at sa halip ay mas marami ang maaaresto kaysa sa mapapatay.
Matatandaan na ini-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon ng anti-drug operations dahil sa kaso ni Korean businessman na si Jee Ick Joo, na pinaslang sa loob ng Kampo Krame ng mga pulis na sangkot sa extortion.
Sa mga ulat, pumalo na umano sa pitong libo ang mga namatay sa war against drugs ng Duterte administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.