Mga senador, ipagpa-misa at ipagdasal bago ang botohan sa Death Penalty bill – CBCP

By Isa Avendaño-Umali March 19, 2017 - 12:44 PM

 

CBCPHinimok ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP ang mga katoliko na ipagdasal ang mga senador para sa nakaambang botohan sa kontrobersyal na Death Penalty bill.

Sa dalawang pahinang pastoral statement, sinabi ng CBCP sa mga mananampalataya na ipanalangin na kalabitin ng konsensya ang mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan upang bumotong kontra sa panukalang bubuhay sa parusang kamatayan.

cbcp
Pastoral letter ng CBCP

Ayon sa CBCP, hindi sila bingi sa iyak ng mga biktima ng heinous crimes.

Pero ang mga biktima at nambiktima ay kapwa kapatid sa pananampalataya at mga anak ng Panginoon.

Hamon ng CBCP sa mga nagkasala, magsisi… habang sa mga mahal sa buhay ng mga biktima, pagmamahal at pag-asa ang alok ng simbahan.

Para naman sa mga tao na ginagamit ang bibliya upang maipagtanggol ang death penalty, iginiit ng CBCP na i-interpret ito ng maayos.

Nauna nang inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 4727 sa mismong araw ng Ash Wednesday.

Aprubado na rin ito sa katlo at huling pagbasa sa botong 217-yes, 54-no at 1-abstention.

Pinuri ng Simbahang Katoliko ang limampu’t apat na kongresista na bumotong ‘no’ sa approval sa panukala.

 

 

TAGS: CBCP, death penalty bill, CBCP, death penalty bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.