Report sa UN ukol sa EJKs, dapat itama ni Robredo – Lacson

By Isa Avendaño-Umali March 19, 2017 - 12:08 PM

 

lacson leniPinatatama ni Senador Panfilo Lacson kay Vice President Leni Robredo ang report nito sa United Nations o UN Commission on Narcotic Drugs ukol sa bilang ng umano’y extra judicial killings o EJKs sa ating bansa, partikular noong nag-umpisa ang Duterte administration.

Sa kanyang posts sa Twitter, pinuna ni Lacson na naibalita ni Robredo sa UN na mayroong pitong libong na-summary execute.

Gayunman, hindi man lamang daw isinama sa naturang report na sa panig ng pamahalaan ay mayroon ding tatlumpu’t walong casualties sa dalawang libong police operations.

Ani Lacson, wala siyang ibang agenda maliban sa ‘fairness’ batay sa facts, para na rin sa 38 PNP at AFP personnel na nasawi at mahigit walumpu’t anim na nasugatan habang nasa serbisyo.

Naniniwala naman si Lacson na ang mga kaalyado ni Robredo sa Liberal party ay maaaring ginagamit ang bise presidente at mistulang ititutulak sa downfall nito.

Aniya, sana ay ma-realize ito ni Robredo sa lalong madaling pahanon dahil ‘sayang’ umano ang VP.

Nauna nang binatikos ng iba’t ibang grupo ang report ni Robredo sa UN dahil tila ipinahiya raw nito ang buong Pilipinas.

Pero katwiran ng kampo ni Robredo, ini-ulat lamang nito ang tunat na estado ng bansa kung saan may nagaganap na mga patayan, lalo na sa mga sangkot sa droga.

 

 

 

TAGS: Sen. Panfilo Lacson, Vice President Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.