Miyembro ng Jemaah Islamiyah, hinihinalang napatay sa opensiba ng militar VS BIFF
Bineberipika pa ng Western Mindanao Command (Westmincom) ang mga teroristang napatay, kabilang ang isang lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa sunud-sunod na opensiba ng militar laban sa grupo Maguindanao sa nakalipas na linggo.
Ayon sa tagapagsalita ng Westmincom na si , may mga ulat na napatay ang Indian-Singaporean terrorist na si Mohammad Ali bin Abdulrahman alyas Muawiyah sa Barangay Tee sa Datu Salibo.
Nagsilbi umanong tagapamagitan ng BIFF at ng Abu Sayyaf Group si Abdulrahman. Kilala rin itong mapanganib na myembro ng terorsitang grupong Jemaah Islamiyah.
Kabilang din umano sa mga napatay ang brigade commander ng BIFF na si Esmael Abdulmalik alyas Abu Toraype, at isang local bomber sinanay ni Abdulrahman.
Sa kabuuan, 21 terorista ang napatay ng militar sa mga pag-atake nito sa Maguindanao laban sa BIFF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.