2 mataas na opisyal ng China at Australia, nag-courtesy call kay Duterte

By Chona Yu March 17, 2017 - 09:42 PM

duterte councilors pasayNagkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Vice Premier Wang Yang na idaan sa mapayapang kasunduan ang isyu sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos mag courtesy call ngayong hapon kay Pangulong duterte si Wang sa Panacan, Davao city.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patuloy na lumakalas ang ugnayan ng Pilipinas at China lalo na sa sektor ng kalakalan.

Nagkalagdaan din aniya ang dalawang opisyal ng 6 year development program na magpapalakas sa sektor ng imprastraktura sa Pilipinas.

Idinulog din aniya ng pangulo kay Wang ang kanyang pagkabahala sa piracy at terrorism dahil nakaapekto na sa stability at security sa rehiyon.

Matatandaang una nang nagpasaklolo ang pangulo sa China sa pagpapatrolya sa international waters para masawata ang piracy subalit hindi pa ito inaaksyunan ng china.

Samantala, nais naman ni Pangulong Duterte na magpaturo sa Australia kaugnay sa responsible mining.

Nag courtesy call ngayong hapon sa pangulo si Australian Foreign Minister Julie Bishop.

Ayon kay Abella, nangako naman si Bishop sa pangulo na ibahagi ang tamang responsibilidad sa pangangalaga sa mineral at energy resources.

Magbibigay din ang Australia ng apatnapung milyong halaga ng ayuda sa Pilipinas sa loob ng anim na taon para sa isinusulong na peace process sa Mindanao region.

TAGS: Australia, China, Ernesto Abella, Rodrigo Duterte, Australia, China, Ernesto Abella, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.