HRW, umapela ng dagdag na international pressure laban sa war on drugs ng administrasyong Duterte

By Len Montaño March 17, 2017 - 05:46 PM

HRWUmapela ang isang international human rights group ng dagdag pressure mula sa international community para sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para matapos umano ang abusadong war on drugs at pagkamatay ng maraming tao.

Panawagan ito ng human rights watch kasunod ng batikos ng European Parliament at United Nations sa kampanya ng Pilipinas laban sa droga at pagbuhay sa death penalty.

Sa pahayag ay sinabi ng HRW na “well justified” ang mga kritisismo ng EU at UN sa Pilipinas.

Nagpapakita umano ito ng lumalawak na pagkadismaya ng international community sa umanoy pagbalewala sa batas ng gobyerno ni Duterte alinsunod sa anilay “abusive war on drugs.”

Iginiit ng grupo na kailangan ang dagdag na international pressure sa Duterte government kundi ay magpapatuloy ang mga pagpatay.

Binanggit din ng HRW ang babala ng European Trade Commission na banta ang mga polisiya ni Duterte sa mga export ng Pilipinas sa EU na libre sa buwis.

Iginiit naman ng Malakanyang na walang alam at hindi naiintindihan ng international community ang sitwasyon ng peace and order at problema sa droga sa bansa.

TAGS: European Parliament, European Trade Commission, hrw, Rodrigo Duterte, UN, European Parliament, European Trade Commission, hrw, Rodrigo Duterte, UN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.