Sumadsad na barko sa Batangas City, hindi magdudulot ng oil spill – PCG

By Erwin Aguilon March 17, 2017 - 01:26 PM

barko sumadsadHindi magdudulot ng pinsala sa kalikasan ang pagsadsad ng barko ng Montenegro Shipping Lines sa karagatang sakop ng Batangas City.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Cdr. Armand Balilo, hindi magdudulot ng oil spill ang pagsadsad ng MV Divina Gracia sa mababaw na bahagi ng Malajibomanoc Island.

Bagamat mayroon anyang butas ang barko hindi naman ito pagmumulan ng oil spill.

Lima naman ang nasugatan sa insidente kung saan tatlo rito ay mga bata.

Samantala, pinagsusumite na ng marine protest ni Coast guard officer in charge Commo Joel Garcia ang kapitan ng sumadsad na barko at ng nasunog na MV Rina Hossana sa Batangas City.

Ito ayon sa opisyal upang mabatid ang salaysay ng mga ito sa dahilan ng trahedya.

Mga kapwa galing sa Calapan Port at patungo sa Batangas port ang mga nasabing barko ng maganap ang insidente.

Ligtas nman lahat ng pasahero at crew ng barko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.