PANOORIN: Angel Manalo at mga kasama, inilipat na ng kulungan
Mula sa Camp Karingal ay idinaan sa Quezon City Police Station 10 ang itiniwalag na opisyal ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Felix Nathaniel “Ka Angel” Manalo.
Sumailalim sa medical at physical check-up si Manalo, pati na sina Jonathan Ledesma at Victor Erano Manalo-Hemedez bago sila dinala sa Camp Bagong Diwa Detention Facility sa Bicutan, Taguig City.
Sina Ka Angel at Hemedez ay nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms.
Samantala, direct assault with frustrated murder naman ang isinampang kaso laban kay Ledesma nang paputukan nito ang dalawang pulis magsisilbi ng warrant of arrest sa INC compound sa Tandang Sora noong Marso 1.
Magugunita na walang piyansang inirekomenda kay Ka Angel. Matapos itiwalag sa INC noong 2015 ay pinalayas si Ka Angel at kapatid nitong si Lolita Manalo-Hemedez sa naturang compound ngunit kapwa sila nagmatigas na manatili doon.
Dating INC member Angel Manalo at iba pang detenido, ililipat na sa Camp Bagong Diwa sa Taguig. @wiljonjrabejero @janescosio pic.twitter.com/fh5yQYqikT
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) March 17, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.