Mga pulis QC na sangkot umano sa summary execution kinasuhan ng murder

By Jay Dones March 17, 2017 - 04:12 AM

 

Joan Bondoc/Inquirer

Tuluyan nang kinasuhan sa Ombudsman ng mga kaanak ng tatlo sa apat na biktima umano ng summary execution noong nakaraang taon ang mga pulis ng Quezon City na sangkot umano sa krimen.

Kasama ang kanilang mga abogado, nagtungo sa Ombudsman sina Maria Belen Daa, Marilyn Malimban at Lydia Gabo upang upang ihain ang kasong murder, frustrated murder at iba pang kaso laban sa mga pulis.

Sa kanilang affidavit, sinuportahan ng mga ito ang alegasyon ng unang complainant na si Efren Morillo na walang habas silang pinagbabaril ng mga pulis sa naturang raid na naganap noong August 21, 2016 sa Barangay Payatas, QC.

Si Morillo kasama ang apat pang mga lalake na sina Marcelo Daa Jr., Rhaffy Gabo, Jessie Cule at Anthony Comendo ay binaril umano ng malapitan ng mga pulis ng QCPD Station 6 at ipinalabas na nanlaban umano ang mga ito sa mga otoridad.

Gayunman, maswerteng nabuhay ang biktimang si Murillo na nagsilbing saksi sa krimen.

Sangkot umano sa pamamaril ang mga pulis na sina Senior Insp. Emil Garcia, PO3 Allan Formilleza, PO1 James Aggarao at PO1 Melchor Navisaga ng QCPD Batasan Station at ilan pang mga impormante ng mga pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.