Mga miyembro ng Kadamay, hindi bibigyan ng ‘special treatment’

By Alvin Barcelona March 17, 2017 - 04:00 AM

 

pandi housingWalang ibibigay na espesyal na pagtrato sa mga miyembro ng Kadamay na gustong makakuha ng bahay sa mga housing projects ng National Housing Authority.

Sinabi ito ni Elsie Trinidad- Manager ng Resettlement and Development Services Department ng NHA, sa hirit ni Kadamay Sec. Gen. Carlito Badion na i-proseso na NHA ang aplikasyon ng mga miyembro nila habang nakatira ito sa mga pabahay ng gobyerno sa Bulacan.

Iginiit ni Trinidad na dapat munang umalis sa mga inokupahan nitong housing units ang mga kasapi ng Kadamay at dapat itong dumaan sa ligal at tamang proseso ng aplikasyon tulad ng iba pang maralitang aplikante.

Paliwanag pa ni Trinidad, paano nila sasagutin ang mga tanong ng humigit kumulang 49 libong aplikante sa pabahay na nagtiyagang sumailalim at naghihintay sa proseso kung pagbibigyan nila ang Kadamay

Aminado naman si Trinidad na hindi pa nila napag-uusapan ang posibilidad ng pagsasampa ng kaso sa mga lider ng Kadamay na pakana ng Occupy Bulacan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.