Working group na tututok sa pagsasanay ng mga Grade 11 at 12, binuo ng DOLE
Bumuo ng team ang Department of Labor and Employment na susubaybay sa Senior High School Students o K-12 Senior, na isasalang sa work immersion.
Ang work simulation ay bahagi ng SHS Curriculum na nagtatakda ng hanggang 80 oras na hands – on experience na kailangang kunin ng Grade 11 at Grade 12 upang kanilang maranasan ang aktuwal na pagtratrabaho.
Nilinaw ng DOLE na ang work immersion ng SHS ay hindi itinuturing na employment arrangement kundi upang mapagtibay ang K-12 Program na ilantad sa actual workplace setting at maging competent ang SHS.
Alinsunod sa labor advisory, ang work simulation ay mula alas- 8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 lamang ng hapon habang apat na oras lamang ang itinakda sa mga estudyanteng 15 years old pababa at may permiso mula sa kanilang mga magulang o guardian.
Ayon sa DOLE, ang pagtatatag ng TWG for K12-WIP ay salig sa Section 6 Republic Act No. 10533, o ang Enhanced Basic Education Act of 2013, at Section 11, Rule II ng Implementing Rules and Regulations nito at ugma sa Republic Act No. 9231, mas kilala bilang Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ang Technical Working Group for K to 12 Work Immersion Program , TWG for K12-WIP, ay pamumunuan ni Assistant Secretary Alex V. Avila ng Employment and Police Support Cluster, kasama a ang Bureau of Labor Relations (BLR), Bureau of Local Employment (BLE), Bureau of Workers with Special Concern (BWSC), Bureau of Working Conditions (BWC) at Occupational Safety and Health Center (OSHC) bilang mga miyembro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.