Bilang ng mga napapatay na drug suspects mula ng ibalik sa PNP ang war on drugs umabot na sa 27

By Len Montaño March 15, 2017 - 01:08 PM

gun crime suspect drugsNasa dalawamput-pito na ang kabuuang bilang ng mga drug suspects na napatay mula nang ibalik ng Philippine National Police (PNP) ang war on drugs kung saan pinakamaraming fatalities sa Region 3.

Batay sa data na isinumite ng mga Police Regional Offices, 679 ang isinagawang operasyon laban sa droga mula March 6 hanggang March 15.

Labinganim na drug suspects ang napatay sa anti-illegal drug operations sa Region 3.

Lima naman ang napatay sa Region 7 habang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ay dalawang drug suspects ang napatay.

Tig-isa naman ang fatality sa National Capital Region, Regions 1, 4-A at 9 habang sa ibang rehiyon ay walang napatay.

Sa mahigit isang libong naaresto, karamihan ay mula sa Region 7 kung saan 221 ang nahuli.

Mahigit 23,000 na mga bahay ang binisita sa ilalim ng project tokhang at karamihan sa mga ito ay mula sa Region 2 at Region 5.

Nagresulta ito sa pagsuko ng 1,539 drug suspects kung saan 1,493 ang users at 46 ang pushers.

TAGS: drug suspects, NCR, Region 1, Region 3, Region 4-A, Region 7, Region 9, umabot na sa 27, War on drugs, drug suspects, NCR, Region 1, Region 3, Region 4-A, Region 7, Region 9, umabot na sa 27, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.