Botohan para sa confirmation kay Lopez, itinakda sa May 3
Itinakda na lang ng Commission on Appointments (CA) sa May 3 ang botohan kung iko-confirm ba nila o ire-reject ang appointment ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kahapon ay nag-desisyon ang CA committee on environment and natural resources na pinamumunuan ni Sen. Manny Pacquiao na i-bypass na lang muna ang appointment ni Lopez.
Ito’y dahil iginiit ng mga miyembro ng CA na dapat mabigyan ng pagkakataon si Lopez na sumagot sa mga pagtutol sa kaniyang appointment.
Sa ngayon ay nasa bakasyon pa sa Amerika si Lopez, kaya no-show siya kahapon sa hearing.
Ngayong araw naman ang huling araw ng sesyon ng Senado bago ang kanilang Holy Week break, na magbabalik naman sa Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.