Kaso ni De Lima tinalakay na sa oral argument sa SC
Ipinababasura ni dating Solicitor General Florin Hilbay sa Korte Suprema ang kasong isinampa laban kay Senador Leila De Lima at ipag-utos ang agad na pagpapalaya dito.
Ito ang inihirit ni Hilbay na isa sa mga abogado ni De Lima sa opening statement nito sa oral argument na ipinatawag ng Supreme Court patungkol sa legalidad ng kaso at arrest warrant na inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court laban sa senador kaugnay ng pagkakasangkot nito sa drug trade sa New Bilibid Prisons.
Nanindigan si Hilbay na kung ang paratang laban sa senadora ay pagtanggap ng drug money mula sa mga high profile inmates ng NBP dapat ay direct bribery ang ikinaso dito.
Hindi rin alam ni De Lima na nagmula sa drug trade o sa jueteng ang pera na diumanoy ibinigay sa kanya ng mga inmates.
Sinabi ni Hilbay na ang pagbibigay ng proteksyon sa mga sangkot sa droga ay isang bailable offense.
Iginiit pa ni Hilbay na walang hurisdiksyon sa kaso ni De Lima ang Muntinlupa RTC dahil ayon sa batas ang Sandiganbayan ang may exclusive jurisdiction dito.
Hiniling din ni Hilbay sa Korte Suprema na hingan ng komento ang Ombudsman sa paglapastangan dito ng Department of Justice.
Ito ay nang magsagawa ng sarili nitong preliminary investigation ang DOJ sa kaso ng senadora kahit na ang anti-graft body ang tunay na may hurisdiskyon dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.