Dahil hindi nakadalo sa caucus meeting ng Committee on Environment ng Commission on Appointments (C.A) si Secretary Gina Lopez kaya’t nagdesisyon ang mga miyembro na i-bypass muna ang kumpirmasyon nito.
Sinabi ni Committee Chairman Senator Manny Pacquiao na hindi nila nagawang magbotohan kung ibabasura o kukumpirmahin ang ad interim appointment ni Lopez dahil nasa U.S ito.
Bukas ay huling sesyon ng Senado para sa holy week break.
Sinabi ng senador maari ang re-appointment ng pangulo kay Lopez at muli na lang itong humarap sa C.A pagbalik ng sesyon sa buwan ng Mayo.
Dagdag pa ni Pacquiao na walang iniimpluwensiyahan si Pangulong Duterte sa C.A members para palusutin na ang appointment ni Lopez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.