‘Plea bargaining’ sa kaso ng 80,000 ‘small-time’ drug suspects hiling ng PAO sa SC

By Jay Dones March 14, 2017 - 04:30 AM

 

Drug denHinihimok ng Public Attorney’s Office (PAO) ang Korte Suprema na desisyunan ang kanilang inihaing petisyon na naglalayong payagan ang mga ‘small-time’ drug suspects na pumasok sa ‘plea bargain’ kaugnay sa kanilang mga kinakaharap na kasong may kaugnayan sa droga.

Ito’y upang mapabilis ang proseso ng pagpapataw ng parusa at makatipid rin ang gobyerno sa proseso ng mahabang paglilitis sa mga kaso.

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, naghain sila noong nakaraang taon ng petisyon sa Korte Suprema na naglalayong ibasura ang Section 23 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na nagbabawal sa mga drug suspects na pumasok sa ‘plea bargain’ sa kanilang kaso.

Paniniwala ni Acots, makakatipid ng hanggang P1.4 bilyon ang gobyerno taun-taon kung paayagan ang nasa 80,000 ‘small time’ drug suspect na dumaan sa ‘plea bargaining’ sa kanilang kaso.

Bukod dito, malaki rin ang mababawas sa bilang ng mga preso sa mga bilangguan kung papayag ang korte na mag-plead ng ‘guilty’ ang mga drug offender sa mas mababang kasalanan o offense.

Paliwanag pa ni saklaw lamang aniya sa mga ituturing na ‘small-time’ ay ang mga drug suspects na nahulihan ng 0.01 hanggang 0.02 gramo ng iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.